Love one another but make not a bond of love: Let it rather be a moving sea between the shores of your souls.
-Kahlil Gibran
|
|
comments (5)
|
ito po ang aking multiply address,
http://ellagualvez.multiply.com/
madalas doon na ako nag-a-update kasi mas accessible siya sa mas nakararami, hope to see you there ^_^
|
|
comments (0)
|
Kung si Sanshai at si Robert Fulghum may Dandelion, ako may White Angels.^_^
Noong mga elementary ako naalala ko, may mga chenelu na tanong na, kung mabubuhay ka ulit tapos hindi ka tao, anong gusto mong maging? Usually ang sagot ko ata dito ibon, kasi free siya and all that jazz. Pero kung ngayon tatanungin ulit ako, medyo may pagka Sanchai ng Meteor Garden ang sagot ko, ito ang isasagot ko: White Angels. (scientific name: Wrightia antidysenterica)
Astig ang halamang ito, sa tuwing nakikita ko 'to nai-inspire ako. Biruin niyo ba naman, dumaan na ito sa kamay ng mga makukulit na bata na pitas ng pitas ng bulaklak nito, ng sandamakmak na mga pusa na kinakagat ang tangkay nito, mga mahaderang kapitbahay na mukhang pinuputol ang kung ano mang p'wedeng putulin sa halamang to, at, eto ang malupit, labinlimang oras itong nababad sa bahang punong puno ng chenez ng daga, ng chenez ng tao, at ng chenez na ayaw ko ng isipin pa. (Yes, dumaan sa Ondoy ang halamang ito)
But lo and behold, habang ang ibang halaman namin nangamatay na o di kaya ay natuyo o nawalan na ng pag-asang mabuhay, heto siya, kahit putikan at nalagasan, matapos lang ang isang buwan, namumulaklak muli. At eto ito ngayon, kahit payatot at mukhang malnourished, mamumulaklak at tumataas pa rin kahit papaano.
Nakakamangha, nakaka-inspire, nakakapagpainit ng damdamin(oh davah may ganoon?). Ang lakas ng fighting spirit ng halamang 'to, bilib talaga ko. Talagang pinipilit niyang mabuhay, ayaw magpatalo, pinipilit magpatuloy gamit ang lahat ng meroon siya. Struggle kung struggle and drama.
Kaya sa tuwing nagda-drama ako at nade-depress kuno, tinitignan ko ang halamang ito at kahit papaano, nabubuhayan ako. Kung siya ayaw sumuko, kung siya nagawang mamulaklak at tumayo ng bonggang-bongga matapos ang lahat ng iyon, why not, di ba?
So yes, if I can be a little like this plant, then I'd be happy, kung totoo ang reincarnation at kailangan akong mabuhay na hindi tao, ito ang pipiliin ko. I'd be proud to be something like this plant. ^_^
|
|
comments (35)
|
hahaha, ayan, magpopost ulit ako after ten thousand years..hmmm. wala lang feel ko lang, kasi sa wakas, pakiramdam ko, after like a hundred pages, saka ko lang nahawakan ng tunay ang core ng aking male character sa ginagawa kong bagong book. frustrating talaga kapag nangyayari ito, yung tipong nasa gitna ka na pero parang hindi mo pa rin mahawakan ang pinaka-essence ng mga characters. minsan madali silang mahawakan at makilala, minsan naman ganito sila, dumudulas madalas.
he kept slipping from my grasp, nabubuwisit ako sa mga chapters kasi parang may mali at may mali nga! kasi hindi buo si Brent! anak ng putakte! umayos ka pare! hehe, ayun, para kasing hindi tama ang mga reaction niya sa mga eksena, parang fake, parang walang sincerity, parang pilit at mali, hindi ko siya maramdaman, basta, ang off ng dating, parang hindi siya. hahaha. ah ewan pakwan!
kaya ayun, ang daming chapters ang nachugi salamat sa kanya, hopefully, totoong naiintindihan ko na siya ngayon para makapagsalita at makapag-react na siya ng tama para sa sarili niya at hindi ko na siya kailangang i-fabricate, hehe. tama, magsalita ka na pare ng mabawasan naman ang trabaho ko at matapos na tayo utang na loob!
hmmm...tingin ko magsusulat ako ng entry tungkol dito, characterization at ang madugong pagbuo sa kanila.
*Crosses fingers* please please maawa ka umayos ka na BRENTTT!!!
|
|
comments (1)
|
WOHOOT!!! Dumating na sa wakas ang nobela ni ate, niloloko ko siya nung una, sabi ko sa kanya sa December pa lalabas, hahaha, buti na lang napaaga.:D, ang saya saya!
I love the way she weaves emotions, at hindi po ito dahil sa kapatid ko siya, ito po ay galing sa perspective ng isa ding writer na sinusubukang magsulat ng isang disente( meaning, may katuturan, hm? ganoon talaga?:P and not necessarily safe for kids, haha, ah basta iyon na yun, ) na nobela.
Please get a copy, let's support Pinoy Pocketbooks!
PS. work safe naman po ito, yung akin lang ang hindi, hihihi
A Charming Accident
Liana Sky
Aksidente. Iyon lang ang maaaring irason ni Olivia kung bakit naloka siya nang isang gabing iyon at ibinigay ang sarili sa kaibigan ng kuya niya, na iilang araw pa lang niyang nakikilala at nakikitira lamang sa bahay niya. Unang-una, hindi sila nagmamahalan. Pangalawa, hindi niya puwedeng idahilan ang alak na nainom dahil malakas ang alcohol tolerance niya. Pangatlo, may ibang mahal si Travis Yu, na siyang dahilan kaya ito umuwi ng Pilipinas.
Pero ngayong nadiskubre ni Oli na nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila, masakit man at alam niyang wala siyang panalo, kailangang mamili ni Travis sa pagitan niya at ng nobya nito….
|
|
comments (23)
|
Eto na po, lumabas na ang aking Erotica mature novel na Teach me Love!:D
hehehe, maglalagay pa ba ako ng summary? Oh sige na nga, I copy-paste this from Bookware site. Eto po
Teach Me To Love
Ella Gualvez
He could be a leading man in her next erotica novel. Ito ang unang pumasok sa isip ni Marjorie nang masilayan si Nigel Alejo, ang bagong chairman ng school na pinagtuturuan niya.Nangangati tuloy ang mga daliri niya na tumipa sa keyboard at umpisahanang plot line na naisip niyang gamitin dito.
Naputol ang perverted imagination niya at nauwi sa horror ang ideas niya nang ipakita nito ang notebook niya na ilang araw na niyanghinahanap. Sa pag-iisip ng paraan para malampasan ang sitwasyon,naalala niya ang usual plot lines ng mga nobela niya at nagpasyang gamitin ang isa roon. She told him she would do anything, huwag lang nitong ipaalam kahit kanino ang natuklasan nito. In short, para siyangnapasok sa sarili niyang kuwento.
Nang hagkan siya ng binata, nadiskubre niyang hindi lang pala ang kaguwapuhan ni Nigel ang maaari niyang mapulutan ng ideas para sa mga nobela niya….
Ayan, kung gusto niyong magbasa ng excerpt ng book, punta kayo diyan sa side bar sa left side, yung may Teach me Love Excerpts. Pauna lang ha, iyan yung nakasave na uneditted version ng MS ko, so sigurado akong may kaunting pagkakaiba iyan sa printed version, siguradong maraming nilagay na untag, ani, anito, hahaha, may tendency kasi ako na ulit-ulitin yung pangalan ng character at saka hindi ko minsan alam kung paano gamitin ang untag, at yung iba pang term para sa 'sabi.' ![]()
At pinalitan din kasi yung name nung heroine from Sophie to Marjorie, kaya kapag may nakita kayong Sophie sa excerpts, nakalimutan ko lang palitan.
Hehehe, sana wag niyong isipin na mahalay ako, konti lang, nyahahaha! :lol:wag kayong maingay sa mama ko ha?
Happy Reading and i'd LOVE to hear from you! In other words, PARANG AWA NIYO NA
MAG-COMMENT PO KAYO.:D
|
|
comments (0)
|
Note: Bago ang lahat, gusto kong sabihin na ginawa ko ang lahat ng deductions sa entry naito gamit ang napakalimitadong impormasyon galing sa internet so siyempre,maaring maraming mali sa mga iniisip ko tungkol sa mga taong tinalakay ko rito.At lastly, I do not mean to offend anyone, I just wanted to share my opinion.Peace world!
I’ve always considered myself as a pretty liberal person. I welcome and appreciate defiance from ultraconservative, patriarchal rules and norms of society. Natutuwa ako sa mga taong hindi takot sumuway sa mga outdated at dogmatic na mga paniwala at madalas, naiirita ako sa mga taong ang bilis humusga at mag-criticize sa iba dahil lamang hindi ito kapareho sa mga nakasanayan nila. Hindi ako naniniwala na porke’t kakaiba ay mali na. But from time to time, my liberal orientation was put to test, from time to time, the conformist in me cannot help but shy away and cringe from certain unconventionalities. Kagaya na lang nung isang araw.
Nagre-research kasi ako para sa isangnobela. The editor told me to look at Warren Buffet’s wikibio para gawing basis sa rise to power ng aking male character.
So eto ang nalaman ko tungkol sa kanya. Si Warren Buffet ay isang successful businessman, siya ang second richest man in the world noong 2009, noong 2008 siya ang pinakamayman.
Maraming unconventional sa taong ito.Una, hindi siya ang typical na kapitalista. Very frugal siya, he doesn’t live in luxury, hindi siya typical na businessman na ang goal ay yumaman. Ang datingsa akin habang binabasa ko ang bio niya, talagang gusto lang niya ang ginagawa niya. It seemed that he just enjoyed making the right investments and seeing it grow. Alam mo iyon, yung parang mga true blooded artist ba, ginagawa nila ang ginagawa nila hindi para sa pera kung di dahil gusto nila ang ginagawa nila (although of course, meron din naman na ginagawa iyon para sa pera at wala akong masamang masasabi sa kanila) Habang binabasa ko ang bio ni Warren ang dating sa akin, yung means ang importante sa kanya at hindi ang end.
Philanthropist din siya, balak niyang i-donate sa charity ang 85 percent ng yaman niya kapag namatay siya. Kung titignan ito sa ilang angulo, p’wede ngang sabihin na nagpapayaman siya para siguro makatulong sa iba. Kahangahanga ang pagiging kakaiba niya, hindi ba? It was all fine and dandy until Icame to his personal life. Dito po ako nagulantang sa pagiging kakaiba niya.
He was married in 1952, noong 1977umalis ang wife niyang si Susie para i-pursue ang singing career nito sa san Francisco. Maraming reasons kaya ito ginawa ni Susie, sabi nga ni Warren, 95 % ay kasalanan niya kaya umalis ang asawa. Ayon sa mga articles, masyadong nag-focus si Warren sa business at si Susie sinubukan siyang himukin na magkaroon ng mas maraming oras sa pamilya. Susie was also under the impression that after their net savings reach 8M or 10M, hihinto na si Warren sa pag-i-invest. Pero nasa 9M ang net worth nila eh hindi pa ito nagpapakita ng paghinto o pagbagal man lang.
Ang sabi, Susie wanted to attend to her own needs now that their kids were all grown up so she left and went to SanFrancisco. Pero hindi ibig sabihin noon iiwanan na niya ng tuluya n si Warren,wala raw magbabago, hindi sila maghihiwalay, so they remained married. At dahil alam ni Susie na hindi kaya ni Warren mag-isa dahil helpless ito sa ibang bagay maliban sa business, hiniling niya sa mga kaibigan na tignan tignan ang asawa niya. Isa sa mga kaibigang ito si Astrid Menks. After one year, tumira na si Astrid Menks kasama si Warren.
Now, hindi maliwanag sa mga articles kung adulterous ba ang relationship ni Astrid at Warren. Ang sabi housekeeper ni Warren si Astrid, pero sa tono ng mga articles, medyo may romantic streak na nga ang relationship nila. At well, ok lang ito kay Susie. Ang sabi rin noong 1984, inamin ni Susiekay Warren na isa sa mga dahilan kaya siya umalis noon ay dahil sa relationship niya sa isang lalaki.
Ok, ang end point, sa kabila ng lahatng ito, sa kabila ng katotohanan na namumuhay kasama ng ibang babae si Warrenat nagkaroon din ng ibang lalaki si Susie, nanatili silang kasal at masaya. Lagipa rin silang nagkikita at nagbabakasyon na magkasama. Si Susie pa rin ang official wife na kasama sa mga functions, member pa rin ito ng board sa corporation ni Warren, lagi pa rin silang nag-uusap kapag magkalayo. Sa halost lahat ng aspeto, kitang kita namahal pa talaga nila ang isa’t –isa.
Ngayon, gusto ko pong ipaalala na ako ay isang romance writer, kaya natural hindi ko maiwasang sumigaw ng : VAHKET?!?
My gulay, hindi ko maintindihan, hindi maarok ng maliit kong isipan. Ayon sa definition ko ng love, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para maayos ang relasyon ninyo. Kung mahal pa naman pala nila ang isa’t isa eh bakit kailangan nilang mabuhay ng magkahiwalay? Bakit ok lang kay Susie na may kasamang ibang babae si Warren?Dahil ba sa feeling niya kasalanan din niya? Dahil ba sa hindi na niya kayang ibigay kay Warren ang lahat ng oras niya dahil may sarili din siyang mga pangarap na kailangan niyang habulin? Pero hindi ba napaka-selfish noon?
Sa puntong ito, gusto ko lang pong liwanagin, I have nothing against people who want to chase after their dreams and live their lives for themselves, in fact I salute those people. We owe it to ourselves to chase after our dreams. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasang magwelga ng kaunti.
Hindi ko alam kung mamahalin ko ba si Susie o kamumuhian. At one side, nakita ko ang mga paghihirap at unfairness ng buhay nila ni Warren sa kanya. Hindi ko siya masisi na umalis, pero kasi sa huli, hindi rin niya tuluyang iniwan talaga si Warren. And i think that's just unfair. Naniniwala ako na may mga pagkakataon na kailangang mamili, it's all or nothing. It's not fair that you can have your cake and still eat it.
Sa palagay ko kasi, ayaw niyang tuluyang pakawalan yung tao dahil may isang parte pa rin niya na mahal ito pero hindi naman siya handa na samahan ito sa lahat ng pagkakataon.
Pakiramdam ko kasi, kinuha lang niya yung good parts ng relationship, yung good times, yung laughter, yung vacations, yung holidays at outings, yung easy happiness, yung familiar and comfortable companionship na meron silang dalawa, pero iniwan niya yung nasty pangs ng nitty gritty ng araw araw na pamumuhay, yung hardship na kasama mo lagi yung tao, yung neglect na p’wede niyang maranasan sa araw-araw na kasama ito. Iniwan niya yung hard parts ng relationship, yung kailangan mong i-tolerate yung tao sa lahat ng pagkakataon, yung bad parts at worse parts ng tao na hindi maiiwasang makita at maranasan sa araw-araw na kasama mo siya.
Kinuha niya lang yung for better ng marriage, iniwan niya yung for worse.
Iniwan niya yung responsibilities na iyon kay Astrid habang siya nagpapakasaya sa kanyang ‘freedom’ at convenient‘ relationship’ kay Warren.
I feel sorry for Astrid, which was saying a lot. Usually, wala akong simpatya sa other woman/other man. Pakiramdam ko kasi masyado siyang ginamit ng dalawang tao na iyon para saconvenience nila.
Sa nabasa ko, parang mahal niya talaga si Warren. It’s obvious na hindi siya kasama ni Warren dahil sa pera, hindi si Warren ang tipo na magpapamanang pera sa mga anak nito, naniniwala ito na walang justice doon. Sabi nga ng anak nina Warren at Susie na si Susie Jr., kung walang ni singko ang tatay niya, mananatili pa rin si Astrid sa tabi nito.
Ang sabi sa article, nang tumira si Astrid kasama si Warren, alam nito na walang balak magpakasal ulit si Warren at attached pa rin ito kay Susie. Sabi rin doon na si Astrid ang nag-aasikaso araw-araw kay Warren at siya rin ang naghahanda ng gamit nito kapag makikipagkita ito kay Susie. Sabi walang jealousy whatsoever na nararamdaman si Astrid habang ginagawa niya iyon. Possible ba talaga iyon?
And what about Warren? Sa mga nabasa ko parang mahal pa rin talaga nito si Susie. Sabi nito sa isang interview, Susie’s decision to leave broke his heart. Sinabi rin niya na ang pinakamalaking pagkakamali ng buhay niya ay ang hayaan si Susie na iwan siya. What more, si Susie rin ang sole heir niya bago ito mamatay noon 2004.
So bakit wala siyang ginawa? Ang sabi hindi very expressive na tao si Warren, may pagka-emotionally impaired din siya dahil sa hindi magandang childhood. So siguro hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila? Ewan ko ba, siguro ito na naman ang romance writer na nagsasalita sa loob ko. Ang romance writer na naniniwala na kung mahal mo talaga ang isang tao, gagawa at gagawa ka ng paraan para maayos ang problema ninyo. Love conquers all ika nga. Awww, ang cheesy ko ata.
Well, alam niyo naman po tayo mahilig sa happy ending. Happy ending sa conventional sense, yung black and white at walang espasyo para sa pagdududa. Hindi kagaya ng ending ng napakakumplikado at nakakalokang relasyon ng tatlong ito.
Lumalabas ba ang pagiging immature at idealistic ko? Talaga bang fairytale story ang hinihingi at nakikita ko? Lumalabas lang ba na makitid pa ang pag-iisip ko at hindi pa naiintindihan ang maraming realidad at kumplikasyon ng buhay?
My gas, akala ko pa naman realisticakong magsulat. Nyahahaha!!! Nagpi-feeling ang lola. Anyweiz, sino ba naman ako,davah? Siya si Warren Buffet, ang pangalawang pinakamayaman sa mundo. Ano ba naman ang laban ng logic ng isang dirt poor romance writer na tulad ko kumpara sa kanya at sa asawa niya?
Wala.
|
|
comments (8)
|
haist, my gulay, nakailang web account na ako, live journal, fanfiction.net, friendster blog, madami ako niyan, pero sa awa ng Diyos wala pa akong naisusulat sa mga iyon ni isa. kaya wish ko lang mapanindigan ko ang blog na ito.
shy kasi ako eh, nyahahaha:D. hmmm...so what to tell? idol ko si Bob Ong kaya hindi rin ako magpapakita gaya niya, i will withhold any personal information about myself. hehehe. ay hahaha pala, kasi perverted daw kapag hehehe. ok, going back, quiet person ako sa palagay ko. i love reading. naalala ko pinepeste ko noon si ate na basahan kami ng fairytale lagi. na-brainwashed ako ng mga commercials kaya frustrated akong pumuti, as in yung maputing maputi:), i like romance and comedy, hindi ko kayang magbasa kapag wala ang dalawang iyon. ay hindi pala, kaya ko rin pala as long as hindi siya fiction. i love the books, All I Really Need To Know I Learned in Kindergarten, Howl's Moving Castle, The Art of Happiness, Politically Correct Bedtime Stories, Peter Pan, Paboritong Libro ni Hudas, ABNKKBSBPLAko?! at The Prophet. kung magkakaroon ako ng chance, i would like to search for the truth. wow, pa-deep effect ang lola.
home buddy ako, sa palagay ko, internet ang pinakamagandang bagay na naimbento nitong nakaraang one hundred years, iyon at saka petroleum jelly^_^. biruin mo, p'wede siya sa insect bites, for scratches, cuts, mild burns, dry skin, rashes ng bata at chapped lips! handy talaga. wala akong opinyon tungkol sa kape, malamig man o mainit. i hate lancelot and guinevere, sila ang dahilan kaya na-romanticized and unfaithfulness. hindi ko rin gusto ang twilight pero binasa ko lahat ng books niya, in kasi siya eh. nyahahahaha! yes, mababaw ako. i once fantasized na magkatuluyan si harry at hermione, minsan din akong nangarap makapunta ng never land. hindi ako umiyak ng namatay si patrash at nelo, hindi talaga! nagpetisyon ako na wag ipalabas ang dragon ball movie. hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita ang essence ng farmville. naniniwala ako na ang homosexuality ay hindi choice, dalawa lang ang choice, accept who you are or live in the shadows(nabasa ko yan sa Letters from the Closet), we can't control our feelings, but we can control our actions(napanood ko ata iyan sa If Only). although minsan metaphysical lang din ang choices(yan galing yan sa Sociology prof ko), but i don't wanna go there right now(the metaphysical philosophy i mean, straight po ako just for the record, but i have nothing against gays). balang araw, i will assassinate uchiha sasuke. i'm not very fond of traveling, nakakapagod, hassle but i like riding jeeps o kahit ano pang means of transportation. natutuwa ako yung nakasakay lang at nagmumuni-muni. risk averse akong tao, isang flavor ng doughnut lang lagi ang binibili ko kasi baka iba yung lasa nung iba.:tongue: my lihim akong pagnanasa kay Kris Allen. :D, as you can see, mahilig ako sa emoticons. my mom is the best mom in the world, kung kalahati man lang ng wisdom niya makakamit ko balang araw, i know God would be happy. isa sa mga araw na ito, magsusulat ako ng entry tungkol sa kanya. i have a love and hate relationship with my father, sana balang araw, lumawak na ang pag-iisip ko at maintindihan ko ang mga bagay-bagay. isa sa mga araw na ito, bibili talaga ako ng buddhist prayer book para humaba ang pasensya ko, patience! patience! patience!
ok as you can see, disorganized ang brain ko. i used to love planning, once upon a time naging OC din ako. but somewhere along the way tila nawalan ng structure ang buhay ko. kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon o ikalungkot ay pinag-iisipan ko pa. the same with writing. dati super outline ako kapag nagsusulat, ngayon more on go with the flow na lang. someday, babalik ako sa pagpa-plano. right now, wala lang muna. hay buhay...